^

Probinsiya

36 nailigtas sa lumubog na bangka

-

MANILA, Philippines - Nailigtas sa tiyak na kamatayan ang 36-katao na ka­ramihan ay mga pasahero kabilang ang anim na sugatan makaraang lumubog ang pampasaherong bangka sa karagatan ng Ivana, Batanes kahapon ng umaga. Bandang alas-7 ng umaga nang lumubog ang bangkang Navigator of the Sea na pag-aari ni Migdonio Faberes sa bahagi ng karagatan ng Port of Sabtang sa Brgy. San Vicente.

Kinilala ang dalawa sa malubhang nasugatan na sina Magencia Cielo at Aida Hostallero habang ang dalawang iba pa ay hindi naman gaanong grabe ang tinamong mga sugat.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, biglang huminto ang makina ng bangka may 15-metro ang layo mula sa Port of Sabtang. Dahil naman sa pagbayo ng dambuhalang alon sa bangka ay nagsipag-panic ang mga pasahero at nag­talunan sa dagat matapos mapuno na ng tubig at unti-unting lumulubog ang bangka. Joy Cantos

AIDA HOSTALLERO

BANDANG

BATANES

BRGY

JOY CANTOS

MAGENCIA CIELO

MIGDONIO FABERES

NAVIGATOR OF THE SEA

PORT OF SABTANG

SAN VICENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with