P5-M ari-arian naabo
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Tinatayang aabot sa P5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang ilang establisimento na magkakadikit sa Cotabato City kamakalawa ng umaga.
Lumilitaw na bandang alas-7:30 ng umaga nang masunog ang textile house na Sariling Atin sa Sinsuat Avenue. ‘Di-pa naapula ang apoy sa Sinsuat Avenue ay nasunog naman ang isang dormitory at simbahan sa bisinidad ng Notre Dame Avenue dakong alas-9:30 ng umaga.
Noong nakaraang taon, nasunog ang mga gusali at paninda sa City Arcade sa old public market sa Cotabato City at makalipas ang ilang buwan ay nasunog naman ang Barter trade sa Gov. Gutierrez Avenue na karamihan sa mga nagtitinda ay pawang negosyanteng Maranaw. Malu Manar
- Latest
- Trending




















