^

Probinsiya

7 NPA pinabulagta ng militar

- Nina Boy Cruz, Dino Balabo at Joy Cantos -

BULACAN , Philippines    Nagwa­kas ang mga karahasang ikinakalat ng pitong rebel­deng New People’s Army makaraang mapatay sa pa­ki­kipagsagupaan sa tropa ng militar kahapon ng ma­daling-araw sa liblib na bahagi ng Sitio Talamsi 1, Brgy. Ka­lawa­kan sa bayan ng Doña Re­­medios Trinidad, Bulacan.

Ayon sa tagapagsalita ng Phil. Army na si Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., nakasagupa ng tropa ng  Army’s 56th  Infantry Bat­talion sa pamumuno ni 1st Lt. John Ian Galera ang grupo ng Sangay ng Partido sa Platun Bulacan na pina­ mu­munuan ni Kumander Macmac.

Tumagal ng 30-minuto ang sagupaan sa na­bang­­git na barangay kung saan napatay si Kumander Macmac at anim iba pang rebelde.

Napilitan namang mag­­­si­atras ang iba pang re­belde matapos na ma­patay ang kanilang lider habang wala namang naiulat na na­sawi o na­sugatan sa panig ng mga sundalo ng Phil. Army.

Narekober sa pinang­ya­rihan ng engkuwentro ang limang M16 Armalite rifles, dala­wang M14 rifles, isang M203 grenade launcher at ilang suber­sibong doku­mento.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Army Special Ope­rations Command Chief Major General Ireneo Espino ang mala­wakang hot pursuit ope­rations laban sa grupo ng mga nagsi­takas na communist rebels.

Kasalukuyang inaalam pa ang pagkikilanlan ng mga rebeldeng napatay.

vuukle comment

ARMY SPECIAL OPE

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

COMMAND CHIEF MAJOR GENERAL IRENEO ESPINO

INFANTRY BAT

JOHN IAN GALERA

KUMANDER MACMAC

NEW PEOPLE

PLATUN BULACAN

SHY

SITIO TALAMSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with