^

Probinsiya

3 opisyal ng PNP isinasangkot sa panggugulpi

-

CAMARINES NORTE, Philippines — Nalalagay sa balag ng ala­nganin ang tatlong opis­yal ng pulisya sa Ka­bikulan maka­raang luma­bas sa video footage sa te­lebisyon ang sina­sabing police brutality na ki­nasa­sang­kutan ng pulisya kaug­nay sa ginawang pambu­bugbog sa isang suspek na may mga kasong naka­binbin sa korte.

Batay sa footage, kini­lala ng saksi ang mga sang­kot na opisyal ng pulisya na sina P/Senior Supt. Emmanuel Ta­len­to, police provincial Director; P/Supt. Enrico Amor at ang dating hepe ng pulisya sa bayan ng Daet na si P/Supt. Enriquez Ramos.

Napag-alamang pina­amin ang suspek sa holdap na si Fer­nando Buag kaya pinagtu­lungang gulpihin ng tatlong opisyal sa loob ng himpilan ng pulisya sa bayan ng Daet.

Kahapon ng umaga, agad na nagpatawag ng press conference si Talento sa Camp Wen­ceslao Q. Vinzons Sr. upang pabula­anan ang ti­nutukoy ng saksi sa video footage sa pro­gramang XXX sa ABS-CBN Channel 2.  

Ayon sa abogado ni Ta­lento na si Atty. Fer­nando Dia­­logo, wala silang balak na mag­sampa ng kaukulang kaso laban sa nabanggit na istasyon ng telebisyon dahil sa hindi naman sina Talento, Amor at Ramos ang nasa video footage kung saan may kalabuan ang kuha sa cell phone.

Tahasang sinabi ni Talento na maaaring si Mayor Tito Sarion ang nagpakana ng pagpapalabas ng video footage dahil sa kanyang ipina­ha­yag sa ilang himpilan ng ra­dyo na may puputok na balita.

Natawa lamang si Mayor Sarion kung saan pinasinu­ngalingan ang akusasyon ni Talento.

Nakatakda namang im­bestigahan ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan na na­­ganap na insidente. Fran­cis Elevado

vuukle comment

CAMP WEN

DAET

EMMANUEL TA

ENRICO AMOR

ENRIQUEZ RAMOS

MAYOR SARION

MAYOR TITO SARION

SHY

TALENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with