Mister dedo, misis grabe sa sakuna
BATAAN, Philippines — Isang 39-anyos na overseas Filipino worker (OFW) ang kumpirmadong nasawi samantalang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang misis makaraang bumangga ang kanilang motorsiklo sa kongkretong tulay sa kahabaan ng Kilometer Post 110 sa Mac Arthur Highway, Barangay Silahis sa bayan ng Orani, Bataan kamakalawa ng gabi.
Idineklarang patay sa Orani District Hospital si Fernando Guanlao y Dominguez, habang patuloy naman nakikipaglaban kay kamatayan si Joana Cruz-Guanlao, 34, kapwa nakatira sa Barangay Mulawin, Orani. Jonie Capalaran
- Latest
- Trending