^

Probinsiya

Lola inakyat-bahay, dedo

-

MARILAO, Bulacan, Philippines — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 71-anyos na lola ma­karaang patayin ito ng mga hinihinalang miyem­bro ng akyat bahay gang at tangayin pa ang mga ma­hahalaga nitong ari-arian sa kanyang bahay sa Ba­rangay Poblacion ll sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Carmelita Maula, biyuda at residente ng Cons­tan­tino Subdivision, Brgy. Poblacion ll.

Nakagapos pa ang kan­yang mga kamay sa likod ng isang mahabang alambre, may busal ng basahan ang kanyang bibig at hinihinalang sina­kal ito hanggang sa ma­matay nang matagpuan ito.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-8:00 ng uma­ga dumating sa him­pilan ng pulisya ang anak ng bik­tima na si Gerardo, 40, upang iulat na natagpuan niya ang kan­yang ina na nasa loob ng kanyang kuwarto na wala nang buhay at magulo ang mga kagamitan parti­kular ang aparador na pinaniniwala­ang nakatago ang mga pera at alahas ng biktima.

Natagpuan ng pulisya sa likurang bahagi ng ba­hay ng biktima ang isang hagdanan na pinaniniwala­ang ginamit upang maka­pasok ang mga suspek sa loob ng bahay nito.

Ayon pa sa ulat, posib­leng natunugan ng mga salarin na nag-iisa lamang ang biktima sa kanyang bahay.

Kasalukuyan pang ina­alam kung magkano ang halagang natangay sa biktima at posibleng pag­kakakilanlan ng salarin na hinihinalang mga miyem­bro ng akyat-bahay gang. Boy Cruz

vuukle comment

AYON

BOY CRUZ

BRGY

BULACAN

CARMELITA MAULA

GERARDO

KALUNOS

KASALUKUYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with