2 kawal dedo sa Sayyaf
MANILA, Philippines - Dalawang kawal ng Navy Special Operations Unit ang iniulat na napaslang habang isa pa ang nasugatan makaraang makasagupa ng mga bandidong Abu Sayyaf Group at Moro Islamic Liberation Front sa baybaying lugar sa bayan ng Mohammad Ajul, Basilan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Lt. Junior Grade Christopher Pantaleon at PO3 Almario Manalili habang sugatan naman si Seaman1 Reynan Sumalinog na naisugod sa Camp Navarro Hospital.
Lumilitaw na nakasagupa ng Philippine Marines at Navy ang grupo nina MILF leader Tanad Nasalun at ASG lider Muntong Pula sa liblib na bahagi ng Brgy. Candiis.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang search and rescue operations sa mga nalalabi pang bihag na dalawang Tsinoy trader na sina Michael Tan at Oscar Lu Tan na dinukot noong Nobyembre sa Brgy. Townsite, Maluso, Basilan kung saan hinihingan ng P20 milyong ransom. Joy Cantos
- Latest
- Trending