^

Probinsiya

Doktora sinunog ng akyat-bahay

-

CAMP VICENTE, LIM, LAGUNA, Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa Ba­gong Taon sa isang 71-an­yos na doktora matapos pagnakawan ay sunugin pa ng mga miyembro ng Ak­yat-Bahay Gang sa loob ng kanyang apartment sa ba­yan ng Silang, Cavite ka­ma­kalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Da­nilo Buentipo, hepe ng Si­lang PNP, ang biktimang si Dra. Engracia Dela Cruz, ma­tandang-dalaga, dating Municipal Health Officer sa bayan ng Silang, tubong Meycauayan, Bulacan at residente ng #18-D E. A Apartment, V. Toledo St. Barangay 4.

Lumilitaw na naka­tang­gap ng ulat ang Silang Bureau of Fire na nasusunog ang apartment ng doktora bandang alas-7:30 ng gabi.

Natagpuan ng mga bom­bero ang sunog na ka­tawan ng doktora habang nakahiga pa sa kanyang kama na may nakatakip na unan at mga damit sa mukha.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, napag-alamang pinasok ng mga kawatan ang apartment ng biktima matapos wasakin ang bintana.

May palatandaan ding si­na­kal ang biktima hang­gang sa mapatay bago sinunog ang bahay para maitago ang mga ebi­densya at lituhin ang mga imbestigador.

Inaalam pa ng pulisya ang halaga ng mga ari-arian na nawawala habang patuloy ang imbesti­ gas­yon. Dagdag ulat ni Joy Cantos

vuukle comment

A APARTMENT

BAHAY GANG

D E

ENGRACIA DELA CRUZ

JOY CANTOS

MUNICIPAL HEALTH OFFICER

SHY

SILANG

SILANG BUREAU OF FIRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with