^

Probinsiya

2 illegal recruiter tiklo

-

BOCAUE, Bulacan, Philippines  — Dalawang pinaniniwalaang big-time na illegal recruiter na nambibiktima ng mga naghahangad na maka­pag­trabaho sa ibang bansa ang naaresto ng pulisya kasama ang mga kagawad ng barangay tanod sa isi­na­gawang entraptment ope­ration sa mismong bahay ng isang babaeng biktima sa isang lugar sa Brgy. Lolomboy sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Ro­nald de Jesus ang mga bik­tima na isang 30-anyos na babaeng negosyante at isang 32-anyos na isang pub­lic school teacher na pawang mga residente ng Brgy.Lolomboy habang ka­salukuyan namang naka­piit ang mga suspek na sina Jennyline Julian, 56, wa­lang trabaho, tubong Iloilo City at Normita Naval, 43, wa­­lang trabaho, kapwa mga re­si­dente ng Brgy. Bun­­ducan sa bayang ding ito.

   Sinabi ng mga biktima na pinangakuan sila ng mga suspek ng trabaho sa Dubai, United Arab Emirates bilang isang sales representative o private tutor. Dahil sa tamis ng pananalita at pangakong uunlad ang pamumuhay ng mga biktima ay nagawang ma­kapagbigay sa mga sus­pek ng halagang P43,500 na inutang pa nila sa iba’t ibang kaibigan.

Nagsimula ang kalbaryo ng dalawang biktima nang sabihan sila ng mga sus­pek na makakalipad na pa­tungo sa Dubai noong Oktubre 1 at doon na lang ibibigay ang kanilang mga passport ngunit hindi ito na­tupad dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Tuwing kakausapin ng mga biktima ang mga suspek hinggil sa trabaho nila sa ibang bansa ay pawang mga pangako na lamang ang ka­nilang nata­tanggap hang­gang sa muling humingi ng ma­laking halaga ang mga sus­pek at dito na nagduda ang mga biktima na nag­bun­sod upang ireklamo na sila sa pulisya. Boy Cruz

vuukle comment

BOY CRUZ

BRGY

DUBAI

ILOILO CITY

JENNYLINE JULIAN

LOLOMBOY

NORMITA NAVAL

SHY

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with