^

Probinsiya

Massacre site binisita ng mediamen

-

KIDAPAWAN CITY , Philippines  – Hindi napigil ng ilang mama­mahayag na tumulo ang mga luha habang nag-aalay ng bulaklak at nagsisindi ng kandila sa lugar kung saan minasa­ker at inilibing ang kasa­mang mamamahayag, may isang buwan na ang nakalilipas.

Panibugho ang nara­ ram­daman nina Marlyn Aznar at Felsy Co na kapwa miyembro ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa Kidapawan City at ng Mindanao Press Corps, nang makita ang hukay na pi­nag­libingan nina Henry Araneta, Nap Salaysay, at iba pa.

Pagkatapos bumisita sa massacre site, tumuloy ang grupo ng NUJP sa pangu­nguna nina Weng Paraan at Carol Arguillas ng Minda-News sa libingan nina Genalyn at apat pang mga miyembro ng pamilya Ma­ngudadatu na nasa loob ng bahagi ng Poblacion ng Buluan.

Nagtipun-tipon ang libu-libong tagasuporta at ka­anak ng pamilya Mangu­da­datu na sabay-sabay na sumisigaw ng hustisya at katarungan para sa mga biktima ng Maguin­danao massacre.

Dum­alaw sa libingan si Mayor Freddie Ma­ngu­da­datu kung saan sinabi nitong ’di-titigil ang kan­yang pamilya hang­ga’t di naigagawad sa mga Ampatuan ang pa­rusa na nararapat para sa mga ito.

Isinisigaw ng mga ka­anak ng mga Mangu­da­datu sa mga hawak nilang placard, “Kung buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran.”  Malu Manar

CAROL ARGUILLAS

FELSY CO

HENRY ARANETA

KIDAPAWAN CITY

MALU MANAR

MANGU

MARLYN AZNAR

MAYOR FREDDIE MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with