^

Probinsiya

Dy, bigo sa writ of execution

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nabigo ang kam­­po ni ex-Governor Benjamin Dy na makuha ang writ of execution na hinihirit sa Co­mmission on Elections (Co­melec) 2nd Division upang tuluyan nang manungkulan bilang gobernador ng Isabela.

Ang inihain na apela ni Dy ay humihiling na ipatu­pad ang desisyon ng Co­melec na pa­talsikin si Gov. Grace Padaca sa puwesto matapos ang Comelec recount.

Si Dy ay humihiling ng writ of execution para ma­nung­kulan bilang go­ber­nador habang si Pa­daca naman ay umaa­sang ma­kakuha ng temporary restraining order (TRO) upang hindi tu­luyang mapatalsik sa puwesto.

Samantala, nagtipun-tipon ang mga taga-su­porta ni Padaca para sa mapayapang prayer rally sa harapan ng kapitolyo kahapon ng umaga at mapayapang nagsilisan pasado alas-2 ng hapon.

Bago pa ang itinakdang pagdinig sa writ of execution ay unang inihayag ni Dy na susunod sila sa hakbang na naayon sa batas kasabay ng pangako na hindi gagawa ng anu­mang karahasan upang agawin ang kapitolyo ng Isabela. Victor Martin

COMELEC

GOVERNOR BENJAMIN DY

GRACE PADACA

ISABELA

NABIGO

NUEVA VIZCAYA

PADACA

SHY

SI DY

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with