^

Probinsiya

4 katao kinidnap ng CVO's

-

MANILA, Philippines - Apat na sibilyan ang iniulat na dinukot ng mga miyembro nng Civilian Volunteers Organization (CVO’s) na sinasabing private armed groups ng mga Ampatuan sa naganap na karahasan sa Barangay Talisawa, sa bayan ng Datu Sangki, Maguindanao kamakalawa ng madaling-araw. Kabilang sa mga kinidnap ay sina Marcial Enriquez, Marjon Manampit, Samir Amil at si Trabe Peni. Sa ulat ni P/Senior Supt. Bien­venido Latag, acting police director ng Autonomous Region of Muslim Mindanao, lumilitaw na dinala sa bahagi ng kagu­batan ng Upper Talisawa ang mga biktima na sinasabing gagawing human shield laban sa tumutugis na militar at pulisya. Sa panig naman ni Lt. Col. Mike Samson, spokes­man ng AFP sa Maguindanao operations, na naka­tanggap sila ng impormasyon na ginawa lamang guide ang mga bihag kung saan hindi pa nakakabalik sa kanilang mga tahanan. Joy Cantos

AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO

BARANGAY TALISAWA

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

DATU SANGKI

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MARCIAL ENRIQUEZ

MARJON MANAMPIT

MIKE SAMSON

SAMIR AMIL

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with