^

Probinsiya

Sikretong desisyon ng Comelec naunang kumalat sa Isabela

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Bago pa man ipi­nalabas ng Commission on Elections ang inaabangang desisyon sa election protest ni dating Governor Benjamin Dy laban kay incumbent Governor Grace Padaca ng Isa­bela ay una na umanong ku­malat sa lalawigan ang sana ay sikretong desisyon.

Sa email na natanggap ng pahayagang ito mula sa kam­po ni Padaca, bago ang ina­a­sahang pag-anunsiyo ng de­sisyon ng Comelec ay kuma­lat na umano ang balita sa Isa­be­la na si Dy ang nanalo at hin­di si Padaca sa lokal na ha­lalan sa Isabela noong 2007.

Sinabi ni Padaca na nauna silang napagsabihan na sa Dis­yembre 8 ang promul­gas­yon ng desisyon. “Okay lang sana iyon kasi talaga na­mang hinihintay rin namin ang desisyon para alam na kung ano talaga ang mga nang­yari noong eleksyon pero, sa mga nakakarating na kaala­man sa amin, sinasabi ni­lang panalo raw si Benjamin Dy sa kaso niya laban sa akin na nagpaparatang na dinaya ko siya sa eleksyon,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Padaca na isang TV reporter pa ang unang tumawag sa kanya noon pang Disyembre 3 upang siya ay kapanayamin tungkol sa kanyang umano ay pagkatalo na ikinagulat na­man ng gobernadora.

Sa kabila ng desisyon na ipinalabas ng Comelec ay nanindigan pa rin si Padaca na wala pa ring mababago sa kapitolyo kasabay ng pagpa­palabas ng Special Order 27, series of 2009, na nagsasa­bing siya pa rin ang gober­nador ng Isabela.

Ayon kay Padaca, may­roon pang mga prosesong dapat sundin dahil binig­ yan sila ng Comelec ng li­mang araw upang maghain ng motion for reconsideration para sa en banc decision. Victor Martin

BENJAMIN DY

COMELEC

GOVERNOR BENJAMIN DY

GOVERNOR GRACE PADACA

ISA

ISABELA

NUEVA VIZCAYA

PADACA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with