^

Probinsiya

5 pisak sa killer truck

- Danilo Garcia -

RIZAL , Philippines  — Luksang Pas­ko ang sumalubong sa lima-katao kabilang ang isang buntis na babae ma­karaang araruhin ng dump truck sa imbakan ng basu­ra, kahapon ng hapon sa bayan ng Rodriguez, Rizal.

Isinugod pa sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga biktimang idinek­la­rang patay kung saan ang isa ay nakilala sa pa­ma­magitan ng suot niyang identification card na si Gina Arisga, 40, bun­tis, ng Sitio Tanag, Ba­rangay San Isidro, ng na­banggit na bayan.

Pormal naman kaka­suhan habang nakapiit ang drayber na si Danilo Su­kaldito, 53, ng Nova­liches, Quezon City.

Sa ulat na nakarating sa Rizal Police Provincial Office, naganap ang sakuna dakong ala-una ng hapon sa Montalban Landfill sa bisinidad ng Sitio Lukutang Maliit, Brgy. San Isidro.

Abalang nangongolekta ng maibebentang basura ang mga biktima nang araruhin sila ng dump truck (CNY-502) na minama­neho ni Sukaldito. 

Nakaiwas naman sa naturang trak ang iba pang basurero subalit minalas ang limang biktima.

Sa presinto, inamin ni Sukaldito na nawalan siya ng kontrol nang mawalan ito ng preno at nagtuluy-tuloy sa mga biktima.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

DANILO SU

GINA ARISGA

LUKSANG PAS

MONTALBAN LANDFILL

QUEZON CITY

RIZAL POLICE PROVINCIAL OFFICE

SAN ISIDRO

SHY

SITIO LUKUTANG MALIIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with