^

Probinsiya

FX vs bus: 2 dedo, 4 sugatan

-

BATANGAS, Philippines — Dala­wa-katao ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang nasugatan makaraang sumalpok ang Tamaraw FX sa kasalubong na pam­pasaherong bus sa ka­habaan ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa bayan ng Ibaan, Batangas kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga na­matay ay sina Rene Cairo, 57; at Ruben Delavin, kapwa residente ng Dagat-dagatan, Caloocan City.

Naisugod naman sa Batangas Regional Hospital ang mga sugatang sina Bernardo Sabado, Raphael Almeron, Mitch Abalos at si John Gerson Gunida na pawang sakay ng Tamaraw FX (UDK-589).

Ayon kay Carlito Ame­rica, hepe ng security ng STAR, binabagtas ng Ta­maraw FX ni Danilo Cairo ang kahabaan ng Star Tollway patungong Batangas City mula sa Manila nang sumabog ang gulong ng kanyang sasakyan.

Nawalan ng kontrol ang drayber ng FX hanggang sumalpok sa kasalubong na ALPS Bus (DWB-239) pagsapit sa KM 98, Ba­rangay Quilo bandang alas-10:30 ng umaga.

Kasalukuyang suma­sailalim sa imbestigasyon ng pulisya ang dalawang drayber na sina Gregorio Cortas at Danilo Cairo.

BATANGAS CITY

BATANGAS REGIONAL HOSPITAL

BERNARDO SABADO

CALOOCAN CITY

CARLITO AME

DANILO CAIRO

GREGORIO CORTAS

JOHN GERSON GUNIDA

MITCH ABALOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with