^

Probinsiya

15-anyos niluray sa inuman

-

OBANDO, Bu­la­can, Philippines — Isang dala­gi­tang es­tudyante ang gi­nahasa ng isa niyang kainu­mang lalaki sa isang pagtitipon sa Barangay Lawa sa ba­yang ito ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ng 15-an­yos na biktimang 2nd year high school student ang sus­pek na si Lambert Carbon, 18-anyos, resi­den­te ng Ba­rangay Lawa.

Sinabi ng biktimang itinago sa alyas na Ca­thy na, bandang alas-4:30 ng hapon kama­ka­­lawa, ni­yaya siya ng isa niyang kaibigang babae sa isang pagtiti­pon sa bahay ni Carbon.

Nang dumating sila sa bahay ay nadatnan na nila ang ilan pang ka­lala­kihan na umi­inom at nagka­kasa­ya­han hang­­gang sa pwer­­sahin na si­yang painu­min ng alak ng mga dinatnan niyang bisita dito.

Nakaramdam si Ca­thy ng pagkahilo at, da­kong alas-9:30 ng gabi, nagulat siya na na­sa loob na siya ng kuwarto ng suspek na kasiping nito at walang saplot sa buong kata­wan kabi­lang na dito ang pana­nakit ng ma­selang parte ng kan­yang katawan.

Agad na tumakbo ang biktima sa kani­lang ba­hay upang isum­bong sa kanyang tiyahin ang pangyayari.

Matapos na maido­kumento ang inihaing reklamo ay agad na ipinasuri ang biktima sa Crime Laboratory Office sa Camp Cra­me, Que­zon City na pinatunayan naman na positibo ang biktima sa pang­ga­gahasa.

Kasong Rape in Relation to R.A.7610 ang ki­nakaharap ng sus­pek na kasalu­ku­yang naka­piit na sa himpilan ng pu­lisya. (Boy Cruz)

vuukle comment

BARANGAY LAWA

BOY CRUZ

CAMP CRA

CRIME LABORATORY OFFICE

ISANG

KASONG RAPE

KINILALA

LAMBERT CARBON

LAWA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with