^

Probinsiya

May kaugnayan sa 2010 elections... 40 minasaker sa Maguindanao

- Nina Joy Cantos at Malu Manar -

MANILA, Philippines - Nabahiran ng dugo ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng bise alkalde ng Maguindanao makaraang dukutin ng mga armadong kalalakihan ang 40-katao kabilang ang ilang mamamahayag kung saan sinasabing 14 sa mga binihag ang pinugutan sa naganap na madugong insidente na may kinala­man sa May 2010 elections sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinumpirma na ni Major Gen. Alfredo Cayton ng 6th Infantry Division ng Phil. Army na narekober na ng kanyang mga tauhan ang 21-bangkay, samantalang sinusuyod pa ang ang ba­hagi ng Brgy. Salman sa bayan ng Ampatuan.

Sa inisyal na ulat na na­kalap mula sa Army’s 6th Infantry Division ni Major Gen. Alfredo Cayton, naga­nap ang insidente bandang alas-10:30 ng umaga sa kahabaan ng highway sa Barangay Saniag kung saan lulan ng tatlong sa­sakyan ang mga biktima patungo sa Commission on Elections sa Shariff Aguak, para magsumite ng COC sa pagka-gobernador ni Vice Mayor Toto Mangu­dadatu.

Nabatid na tumawag sa kinauukulan si Buluan Vice Mayor Ismael “Toto” Ma­ngu­dadatu para humingi ng tulong sa naganap na kidnapping sa kaniyang misis.

Samantala, ayon na­man kay Vice Mayor Toto Mangu­­da­ datu, kabi­lang sa mga bang­kay na narekober ay ang misis niya na si Ge­­­nalyn Tiam­zon-Ma­ngu­da­datu na sina­sabing hinalay; Atty. Con­nie Bri­zuela, Atty. Cynthia Oquen­do, Mr. Oquen­do, ama ni Atty. Oquen­do; Bai Eden Ma­ngu­dadatu, vice mayor ng Mangudadatu; Rowena Mangudadatu, Manguba Bai Mangu­dadatu, Farida Mangu­da­datu, mga reporter na sina Ian Toblan, Leah Dalmacio, Gina Dela Cruz, Marites Cabutas, Joy Duhay, Mac-Mac Areola, Jimmy Cabillo, Bong Re­blando ng Manila Bulletin; Bart Maravilla ng Bombo Radyo Koronadal; Henry Araneta ng dzRH Andy Teodoro, Rasul Daud, dri­ver ni Assemblyman Ma­ngu­dadatu; Eugene Dojillo, driver; Ne­neng Montano ng dxCP Wahida Ali Kali­ man, pinsan ng nanay ni Toto Mangu­dadatu; Farida Sab­dullah, Zorayda Ver­nan, Victor Nunez, drayber na si Unto, Zaida Abdul, Pinky Balay­man, Ella Ba­layman, Ra­hima Piopo, Bai Farina Mangudadatu, drayber na si Chito, Ab­dullaa Hajji, Patrick Pa­mansan, Meriam Calicol, at walong iba pa na wala sa listahan.

 “We are still verifying ‘yung sa reported beheading, all of this are raw information as of this time,” pahayag ni Brig. Gen. Me­dardo Geslani ng Army’s 601st Infantry Brigade.

Kasalukuyang iniimbes­tigahan ang napaulat na may kinalaman sa pag­dukot ang alkalde ng bayan ng Datu Unsay, Maguin­danao na si Datu Andal Uy Ampatuan Jr. at si P/Chief Inspector Dicay ng Shariff Aguak PNP.

Sa pinakahuling impor­masyon, sinabi ni AFP- Public Affairs Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr., ang mga biktima ay dinala malapit sa kampo ng Moro National Liberation Front sa Tornado Command sa Brgy. Salman, Ampatuan.

ALFREDO CAYTON

AMPATUAN

ANDY TEODORO

ASSEMBLYMAN MA

BAI EDEN MA

INFANTRY DIVISION

MAJOR GEN

SHARIFF AGUAK

SHY

VICE MAYOR TOTO MANGU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with