P6-milyong ari-arian naabo
ZAMBALES, Philippines – Tinatayang aabot sa P6 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang dalawang palapag na gusali na sinasabing makasaysayan na pag-aari ng angkan ng mga Camara sa Zone-V Poblacion ng bayan ng Iba, Zambales noong Lunes ng madaling-araw. Sa imbestigasyon ni SF02 Virgilio Josafat, nagsimula ang apoy sa likurang bahagi ng unang palapag ng Alejandro Bldg. Kung saan mabilis na kumalat sa buong kabahayan. Wala naman iniulat na nasugatan na tumagal ng tatlong oras bago naapula ang apoy bandang alas-3:30 ng madaling-araw Nabatid na itinayo ni Alejandro Garcia ang nasabing bahay noong Enero 3, 1939 at ang tanging naging tagapangasiwa ay si Philip Camara, na kilalang negosyante na nagmamay-ari rin ng malawak na lupain sa Zambales. Randy Datu
- Latest
- Trending



















