Karpintero pinutulan ng ari
KIDAPAWAN CITY, Philippines – Patay na nang matagpuan kahapon sa isang lugar malapit sa sementeryo sa Makilala, North Cotabato ang 55-taong gulang na karpintero na kinilalang si Rico Edillo ng Purok Uno, Barangay New Cebu sa bayan din ng Makilala.
Ayon kay Insp. Ramel Hojilla, hepe ng Makilala Police, posibleng hinampas ng matigas na bagay ang ulo ni Edillo na naging sanhi ng kamatayan nito.
Nang matiyak ng suspek na patay na ang biktima, saka pinutol ang ari nito at pinakain sa kanya.
Ito ang tumambad sa mga pulis nang makita ang bangkay ni Edillo sa Purok Uno ilang metro lang ang layo mula sa bahay nito at sa sementeryo ng Makilala bandang ala-1:30 ng hapon, noong Nobyembre 4.
Posibleng nag-iisa lang ang suspek nang gawin ang karumal-dumal na krimen.
Maaari ding matinding galit ang nagtulak sa suspect para patayin ang biktima.
Pero blanko pa rin ang mga pulis sa pagkakilanlan sa may-gawa nito habang isi nusulat ito. (Malu Cadelina Manar)
- Latest
- Trending