^

Probinsiya

Sastre nagbigti sa P800 utang

- Danilo Garcia -

RIZAL, Philippines – Upang takasan ang pagkakautang na P800 sa videoke bar, isang 50-anyos na sastre ang nagbigti kahapon ng umaga sa Ba­rangay Tabing-Ilog sa bayan ng Tanay, Rizal.

Nakabiting natagpuan bandang alas-5 ng umaga sa pag-aaring tailoring shop si Alfredo “Totoy” Ilustre ng Juico Street sa nabanggit na barangay.

Lumilitaw sa imbestigas­yon ng pulisya, na magda­mag na nagsaya sa Kamalig KTV restaurant si Ilustre kasama ang kaibigang si Jericho Deolano, 33, subalit nang magkasingilan sa nakunsumong alak at pulu­tan ay kapwa walang ma­ipambayad.

Ipinaaresto naman sa pulisya ang dalawa subalit matapos ang pakiusapan sa may-ari ng videoke bar ay pinayagan ang magkaibi­gang makauwi para maka­hagilap ng pambabayad sa kanilang nakonsumong alak, pulutan at bayad sa ladies drink.

Gayon pa man, nagu­lantang naman ang mga kaanak ni llustre nang ma­bungaran ang katawan nito sa loob ng tailoring shop na nakabitin sa ki­same.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya upang maberepika na ang pagkakaaresto at hindi pag­babayad sa bar ang isa sa dahilan ng para mag-suicde ang biktima.

vuukle comment

ALFREDO

GAYON

ILUSTRE

IPINAARESTO

JERICHO DEOLANO

JUICO STREET

KAMALIG

LUMILITAW

NAGSASAGAWA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with