19 sugatan sa road mishap
RIZAL, Philippines — Umaabot sa 19-katao ang iniulat na nasugatan kabilang ang isang ina na nasa kritikal na kalagayan makaraang salpukin ng dump truck ang anim na sasakyan kahapon ng umaga sa kahabaan ng Manila East Road, Barangay San Juan sa bayan ng Taytay, Rizal.
Si Veronica Sasi na nasa malubhang kalagayan ay nasa Manila East Medical Center, mga anak nitong sina Sharmaine Sasi, Carlos Sasi, Roan Sasi, Michael Caluna, 29 at si Analiza Tripoli.
Naisugod naman sa Taytay Emergency Hospital sina Marry Morallos, at Rico Morallos, Owen Torres, Ryle Giostrina, Lorna Manaloto, Carlo Encarnacion, at kapatid nitong si Carmelo Encarnacion. Habang nasa Rizal Medical Center naman sina Joseph Talin, Rolando Orlina, Elizabeth Diangson, Mary Grace Diangson, Rhea Gongob, Christhopher Gongob na driver ng jeepney (DXE-407) at ang pahinante ng nakabanggang trak na si Jose Dan Orteza.
Pormal naman kakasuhan ang drayber ng dump truck (RCJ 107) na si Jojit Teczon, ng Balaong San Miguel, Bulacan.
Napag-alamang nawalan ng preno ang dumnp truck ng buhangin na patungong Angono kaya naunang sinalpok ang pampasaherong jeepney bago ang Nissan Urvan (NAQ - 758); Isuzu Jeepney (DWG - 938); Mitsubishi Adventure (XJG - 872); isa pang pampasaherong jeepney na hindi nakuha ang plaka at isa pang Toyota Revo. Danilo Garcia
- Latest
- Trending