^

Probinsiya

Piyanistang OFW nilikida

-

SAN JOSE DEL MON­TE CITY, Bulacan, Philippines – Hindi na umabot pa nang buhay sa isang ospital ang isang lalaking overseas Filipino worker na nagtatrabaho bilang isang piyanista ng isang banda sa bansang Japan makaraang likidahin ito ng ’di-nakilalang kalala­kihan na nakasakay sa isang ’di-naplakahang mo­torsiklo sa isang lugar sa Poblacion sa bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/CInsp. Fritz Macariola ang biktima na si Roy Daclan, 35, may-asa­wa, residente ng San Jose St., Barangay Pobla­cion.

Nag-abang ang biktima ng bus sa tapat ng Central Elementary School upang pumunta sa promotion agency sa isang lugar sa Metro Manila upang alamin kung kailan siya muling ma­kakabalik sa Japan nang bigla siyang nilapitan ng dalawang lalaki.

Walang sabi-sabing pina­putukan siya ng tatlong be­ses gamit ang isang kalibre 9mm na baril at tumama sa kanyang ulo na nagresulta sa biglaan niyang pagka­matay.

Tumakas naman ang da­lawang suspek sa ’di-ma­la­mang direksyon pagka­tapos ng krimen. (Boy Cruz)

BARANGAY POBLA

BOY CRUZ

BULACAN

CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

FRITZ MACARIOLA

ISANG

KINILALA

METRO MANILA

ROY DACLAN

SAN JOSE ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with