^

Probinsiya

Cory Park sa Palawan

-

MANILA, Philippines - Nilagdaan na ni Gov. Joel T. Reyes, ang ordinan­sang ipinapangalan ang Capitol Park Square kay dating pangulong Corazon “Cory” Aquino.

“Ang Provincial Ordinance No. 1134 na inakda ni Bise-Gob. David Ponce de Leon at Board Member Modesto V. Rodriguez II, katuwang ang Sanggu­niang Panlalawigan bilang mga co-author ay ipinasa noong Agosto 19, 2009 bilang pagbibigay-pugay ng mga Palaweño sa ma­husay, mapagmahal at maka-Diyos na lider ng bansa,” pahayag ni Gov. Reyes

Nakasaad sa ordinansa na ang Cory Park ay alay ng sambayanang Pala­weño sa alaala ng kauna-unahang babaeng Pangulo ng bansa na tinagurian ding simbolo ng demo­krasya.

“Ito ay munti subalit taos-pusong pagkilala sa liderato at serbisyong inialay ng dating Pangu­long Corazon C. Aquino sa taumbayan. Karangalan ng mga Palaweñong ipa­ngalan ang maaliwalas na parke sa lalawigan bilang Cory Park,” dagdag ni Gob. Reyes.

Sa ilalim ng adminis­trasyon ni Cory ay ipinasa ang Republic Act 7611 (Strategic Environmental Plan for Palawan Act) na siyang nagsisilbing gabay sa sustainable development ng Palawan upang mapanatiling mayabong ang kapaligiran, hindi la­mang para sa kasaluku­yang henerasyon kundi sa mga susunod na salinlahi.

Ang Capitol Park Square ay nasa loob ng Capitol Complex, sa likuran ng gusaling pang-lehislatura sa Fernan­ dez St., sa Puerto Princesa City kung saan ay paboritong pasyalan at dausan ng mga konsiyerto at malalaking pagtitipon tulad ng kumben­siyon. (Arnell Ozaeta)

ANG CAPITOL PARK SQUARE

ANG PROVINCIAL ORDINANCE NO

AQUINO

ARNELL OZAETA

BOARD MEMBER MODESTO V

CAPITOL COMPLEX

CAPITOL PARK SQUARE

CORY PARK

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with