^

Probinsiya

2 NPA, todas sa engkuwentro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 NPA, todas sa engkuwentro
Sa report ng Army’s 8th Infantry Division (ID), nagresponde ang tropa ng Army’s 52nd Infantry Battalion (IB) sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Jicontol, Dolores ng lalawigan matapos makatanggap ng report hinggil sa armadong presensya ng mga rebeldeng NPA.
Google Maps

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa isang liblib na bulubundu­king lugar sa bayan ng Dolores, Easter Samar kamakalawa.

Sa report ng Army’s 8th Infantry Division (ID), nagresponde ang tropa ng Army’s 52nd Infantry Battalion (IB) sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Jicontol, Dolores ng lalawigan matapos makatanggap ng report hinggil sa armadong presensya ng mga rebeldeng NPA.

Ang grupo ng NPA rebels ay nangongotong umano ng pagkain at maging mga alagang hayop sa mga residente.

Sa pagreresponde ng mga sundalo ay agad nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa kasagsagan nang palitan ng putok ay napaslang ang dalawang rebelde na inabandona ng mga nagsitakas ng mga itong kasamahan. Wala namang napaulat na nalagas sa tropa ng militar sa nasabing bakbakan.

Narekober naman ng mga sundalo sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang matataas na kalibre na gamit ng mga napaslang na rebelde na narekober ang mga bangkay sa encounter site.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with