P1M ari-arian naabo
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang ilang kabahayan kamakalawa ng gabi sa Barangay Minapan sa bayan ng Tulunan, North Cotabato. Ayon sa ulat, bandang alas-9 ng gabi nang magsimulang masunog ang bahay ni Jaime Tongcua kung saan nadamay ang Sunday school ng Southern Baptist Church, mini-grocery at ang bahay ng pamilya Sarsino. Inamin ni Tongcua na nauupos na kandila ang naging sanhi ng sunog kung saan makalimutan matapos ang malawakang brownout sa nabanggit na lugar. Ayon kay Barangay Chairman Jose Martin Ricopuerto, na hindi nakapagresponde ang pamatay-sunog ng Tulunan dahil sa sinasabing sira ang fire truck kung saan kinailangan pang humingi ng saklolo mula sa mga bayan ng Makilala at Matalam sa North Cotabato at Buluan sa Maguindanao. Malu Cadelina Manar
- Latest
- Trending