^

Probinsiya

Municipal treasurer grabe sa ambus

-

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang municipal treasurer makaraang tambangan ng motorcycle-riding gunmen sa pagtatapos ng Eid’l Fitr sa lalawigan ng Maguindanao noong Lunes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arlend Biruar Lidasan, 40, ingat-yaman ng munisipalidad ng Datu Blah Sinsuat at nakatira sa bayan ng Parang, Maguindanao.

Batay sa police report  na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pananambang sa panulukan ng Jose Lim at Doroteo Avenue pasado alas-4 ng hapon.

Napag-alamang minamaneho ni Lidasan ang kaniyang Honda CRV papauwi na sa bayan ng Parang nang dikitan at pagbabarilin ng motorcycle-riding assassin.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa clan war ang pamamaril kay Lidasan habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito. Joy Cantos

ARLEND BIRUAR LIDASAN

BATAY

CAMP CRAME

DATU BLAH SINSUAT

DOROTEO AVENUE

EID

JOSE LIM

JOY CANTOS

LIDASAN

MAGUINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with