^

Probinsiya

DENR executive itinumba

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources ang binaril nang malapitan hang­gang mapatay ng da­lawang hindi pa nakikila­lang armadong tao sa loob ng isang restawran sa Mati, Davao Oriental kamaka­lawa.

Nakilala ang biktima na si Eulogio ‘Yul Baltic’ Bal­tazar, Officer-in-Charge ng DENR sa Davao Oriental at retira­dong kasapi ng binu­wag na Philippine Consta­bulary.

Kumakain si Baltazar, isa niyang anak na babae at kanyang staff at driver sa Honey’s Restaurant sa Barangay Matiao, Mati nang biglang sumulpot ang mga salarin.

Agad na nilapitan ng dalawang armadong lalaki ang biktima at pinaputukan ito ng sunud-sunod habang nagpulasan naman ng takbo sa matinding takot ang iba pang mga kusto­mer sa restaurant.

Hindi naman sinaktan ng mga suspek ang anak, staff at ang driver ng bikti­ma na halos na-shock sa pangyayari.

Mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng pulang Honda motorcycle XR200 habang si Baltazar ay isinugod sa pagamutan subali’t nabigo ng maisalba pa ang buhay nito.

Naghihinala naman ang pamilya at mga kaibigan ng opisyal na may kinalaman sa pagsusulong ng bikti­ma sa kampanya kontra illegal logging ang krimen.

vuukle comment

BALTAZAR

BARANGAY MATIAO

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

EULOGIO

ISANG

KUMAKAIN

MATI

PHILIPPINE CONSTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with