11 missing fishermen nasagip
PANGASINAN, Philippines — Labing-isang kalalakihan na sinasabing nangingisda sa kasagsagan ng bagyong Maring ang iniulat na nawawala sa karagatang sakop ng bayan ng Bolinao, Pangasinan. Sa tala ng Provincial Disaster Coordinating Council office kahapon, kabilang sa mga nawawalang mangingisda ay sina Jeffrey Gonzaga, operator ng MB Marrin; Orlando Fernandez, Junifer Javier, Eduardo Suarez, Reymark Suarez, Dennis Cabulbol, Alfie Gagarao, Alico Caiga, Jr., Enoy Gabriel; Ronald Alcantara, at si Dannyboy Carig na pawang residente ng Brgy. Balingasay, Bolinao. Agad naman nakipag-ugnayan sa Naval forces ng Northern Luzon at sa Coast Guard ang kinauukulan hanggang sa masagip ang mga biktima at ngayon ay nasa Poro Point La Union. Cesar Ramirez
- Latest
- Trending