^

Probinsiya

2 holdaper dedo sa bank rob

-

MANILA, Philippines - Dalawa sa limang arma­dong kalalakihan na sina­sa­bing miyembro ng notor­yus na robbery/holdup gang ang iniulat na napas­lang makaraang makipag­ba­rilan sa pulisya sa naga­nap na bank robbery sa bayan ng Hinigaran, Neg­ros Occidental noong Mar­tes ng gabi.

Isa sa mga napatay na si Dennis Espanola, ay mi­yembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa ilalim ng super­bisyon ng 11th Infantry Battalion ng Phil. Army sa bayan ng Consalongon, Isabela.

Sa ulat ng pulisya na naisumite sa Camp Crame, nag-iimbentaryo ang mga kawani ng RCBC nang pa­sukin ng mga armadong ka­lalakihan at agad nag­deklara ng holdap.

Kaagad namang nag­res­ponde ang pulisya sa pamumuno ni P/Senior Ins­pector Sonny Boy Bernus matapos na makatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen.

Ilang minutong putukan ng baril na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa ha­bang nakatakas ang tatlo kung saan ay nag-umpisa sa Brgy. Poblacion at uma­bot hanggang sa Brgy. Patique na may 8 kilometro mula sa kaba­yanan ng Hinigaran.

Nagawang makatakas ng tatlo matapos na i-hostage ang dalawang bank teller na sina Mary Suelo at Melanie Nunez na sinasa­bing ginawang human shield hanggang sa tulu­yang makalayo bago pina­kawalan.

Narekober ang P11,­958,­000 milyong cash na inilagay sa sako ng mga holdaper habang nakuha naman sa loob ng traysikel ang P102,000 na inaban­dona. Joy Cantos

vuukle comment

BRGY

CAMP CRAME

CITIZEN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

DENNIS ESPANOLA

HINIGARAN

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

MARY SUELO

MELANIE NUNEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with