^

Probinsiya

P1.5-milyong marijuana, sinunog

-

MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga oto­ridad ang P1.5 milyong ha­laga ng marijuana nang sa­lakayin ng mga ito ang ma­laking plantasyon sa Ca­gayan-Kalinga at Isabela.

Sa ipinadalang report ng Police Regional Office 2 kahapon, dakong alas 4:00 ng madaling-araw ng sala­kayin ng mga tauhan ng Kali­nga Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 ang ilang hektarya ng tani­man ng marijuana, particular na ang Sitio Banga-Banga, Brgy, Minagbag, Quezon, Isabela.

Nakuha dito ang 7,500 puno ng marijuana na 7-10 talampakan ang taas, bul­tu-bulto ng mga binhi at mga pinatuyong dahon. Su­balit mabilis naman na tumakas ang mga suspek na responsible dito mata­pos na matu­nugan ang mga otoridad.

Agad na sinunog ang mga nasabing marijuana at dinala ang ilan bilang sam­ple para maisailalim sa chemical examination. (Joy Cantos )

vuukle comment

BRGY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY REGION

ISABELA

JOY CANTOS

POLICE REGIONAL OFFICE

PROVINCIAL POLICE OFFICE

SHY

SITIO BANGA-BANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with