Cell phone ng guro ninakaw ng sariling estudyante
OBANDO, Bulacan, Philippines — Isang 21-anyos na estudyante ng Obando National High School sa bayang ito na si Ermesto S. San Miguel ang inaresto ng pulisya dahil sa pagnanakaw umano niya sa dalawang mamahaling cell phone ng guro niyang si Mary Jane Roxas Martinez, 23-anyos, ka makalawa ng umaga.
Ayon sa pulisya, nagsasagawa ng flag ceremony ang mga guro at estudyante ng naturang eskuwelahan nang biglang umalis si San Miguel sa kanyang pila at pumasok sa kanyang silid-aralan.
Kinuha umano ni San Miguel sa loob ng bag ni Martinez ang dalawang Sony Erricson na cell phone ng biktima na nagkakahalaga ng P11,600 bago tumakas.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga namumuno sa paaralang ito kung bakit nagawa ng suspek ang pagnakawan ang sariling guro. (Boy Cruz)
- Latest
- Trending