Kinalasan ng syota, nagbigti
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang dinamdam ng isang 48-anyos na kati wala ang pagkalas ng kanyang syota kaya nagdesisyong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Calamba City, Laguna kamakalawa.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas 10:30 ng umaga nang matagpuang nakabitin si Isagani Pantua sa loob ng kanyang kuwarto sa Lake View Subd. sa Brgy. Bukal.
Huling namataang buhay ang bik tima na nakikipagtalo sa kanyang syota na sinasabing kumalas sa kanilang relasyon noong Linggo ng gabi. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending