^

Probinsiya

2 kidnaper napatay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawa sa mga miyem­bro ng isang kidnap for ransom gang ang napatay sa pakiki­ pagbarilan sa mga pulis nang tangkain nilang dukutin ang tatlong negos­yanteng Ko­reano sa Sto. Niño, South Co­tabato ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala ni South Cota­bato Provincial Police Office Director Senior Superintendent Nilo Wong ang mga nasawing suspek na sina Allan Alagasin ng Cotabato City at John Inte Andogan ng Datu Piang, Maguindanao.

Nauna rito, pinasok ng mga armadong kidnaper ang Signature Place Lodging House sa Sto. Niño bandang ala-1:30 ng ma­daling-araw.   

Pinutol ng mga suspek ang mga linya ng telepono, tinutukan ng baril at igi­napos ang mga empleyado ng motel at hinanap ang mga Ko­reanong natutulog dito.

Nagawa namang ma­ka­takas ng guwardiya ng motel at mabilis na nag­pasaklolo sa pulisya.

Dahil sa pagresponde ng pulisya, nagpulasan ng takbo ang mga kidnaper at hindi na nagawang ituloy pa ang pla­nong pagdukot sa mga da­yuhan.

Nakipagbarilan sa mga pulis ang mga kidnaper hang­gang sa mapatay ang dalawa sa mga suspek. Nakatakas dahil sa kadi­liman ang tatlo pa sa mga kidnaper.

Nakuha ng pulisya ang isang fragmentation grenade, isang tear gas at motorsiklo.

vuukle comment

ALLAN ALAGASIN

COTABATO CITY

DATU PIANG

JOHN INTE ANDOGAN

PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR SENIOR SUPERINTENDENT NILO WONG

SHY

SIGNATURE PLACE LODGING HOUSE

SOUTH CO

SOUTH COTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with