^

Probinsiya

15 anyos nabuntis ng titser sa sex education

-

CAMARINES NORTE, Philippines – Tila aktuwal na itinuro ng isang sex education teacher ang leksiyon nito sa isa niyang 15-anyos na estud­yante matapos na mabuntis ng una ang huli at mag­karoon ng bawal na re­lasyon sa lalawigang ito.

Ang suspek na si Renato Largo alyas “Ato,” 30 anyos, may asawa at anim na anak at residente ng Sto. Do­mingo, Vinzons, Camarines Norte ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 o child abuse law at inaresto noong Agosto 7, 2009 ngunit nakalaya din nang maglagak ng P100,000 piyansa.

Natunton ang biktima sa tinutuluyan niyang boarding house na, rito, may isang buwan na silang nagsa­sama ng biktima bilang isang mag-asawa.

Gumamit pa ng ibang pangalan si Largo para hindi siya matunton ng mga magulang ng dalagita.

Hindi naman naisulong ang kasong abduction with rape sa piskalya dahil hindi pinilit ang biktima ngunit niloko pa rin umano nito ang dalagita sa pagsa­sabing dalawang taon na siyang hiwalay sa kanyang misis.

Gayunman, patuloy na humihingi ng tulong ang pamilya ng biktima dahil sa posibleng mabasura lang ang kasong isinampa laban sa suspek sa tanggapan ng Department of Education dahil tiyahin ng suspek ang principal ng pinag­tatra­bahuhan nitong paaralan. (Francis Elevado)

AGOSTO

ATO

CAMARINES NORTE

DEPARTMENT OF EDUCATION

FRANCIS ELEVADO

GAYUNMAN

GUMAMIT

NATUNTON

RENATO LARGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with