9 evacuees sugatan sa mortar
KIDAPAWAN CITY, Philippines – Siyam na katao ang sugatan nang bumagsak sa tinutuluyan nilang evacuation site sa may Barangay Macasendeg, boundary ng bayan ng Pikit sa North Cotabato at Datu Piang sa Maguindanao ang isang mortar kamakalawa ng hapon.
Sinabi ni Pikit Police Chief Insp. Elias Dandan na hinihinala nila na ang bumagsak na mortar ay mula sa dalawang naglalabang pamilya sa Datu Piang.
At dahil ang Barangay Macasendeg ay nasa hangganan ng Datu Piang at Pikit, posibleng nag-overshoot ang mortar at bumagsak sa Dulangin Abit Elementary School sa Barangay Macasendeg na nagsisilbing evacuation site ng daan-daang mga internally-displaced persons o IDPs mula sa Maguindanao. (Malu Cadelina Manar)
- Latest
- Trending


















