Binatilyo todas sa granada
August 5, 2009 | 12:00am
MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na binatilyo ang iniulat na nasawi makaraang sumabog ang granada sa bakuran ng logging company sa Barangay Anticala sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng umaga.
Halos malasog ang katawan ni Jonard Arcella matapos masabugan ng granada ang abandonadong compound ng Sky Forest Incorporated.
Ayon kay P/Senior Supt. Nestor Fajura, hindi naman malinaw kung inihagis ang granada o napulot ito ng biktima. Joy Cantos
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest