^

Probinsiya

Opisyal ng NPA arestado

-

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng mga rebeldeng New Peoples Army na sinasabing may nakalaang pabuya na P5.6 milyon sa kanyang ulo ang nadakip ng mga awtoridad kahapon ng umaga sa tinutuluyan nitong hotel sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Michael John Deloso, na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang suspek na si Alfredo Mapano, alyas “Ka Pares,” 55, chairman ng North Central Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas nina Judge Emmelindo Andal ng Regional Trial Court Branch 25 sa kasong double murder with frustrated murder at kasong robbery with dou­ble homicide and damage to properties mula naman kay Judge Zenaida Dacer.

Napag-alamang lumuwas ng Caga­yan De Oro City si Ka Pares para bumisita sa kanyang pa­milya na nakatira sa Barangay Macasandig. (Ricky Tulipat)

ALFREDO MAPANO

BARANGAY MACASANDIG

CAMP CRAME

CHIEF INSP

DE ORO CITY

JUDGE EMMELINDO ANDAL

JUDGE ZENAIDA DACER

KA PARES

MICHAEL JOHN DELOSO

NEW PEOPLES ARMY

NORTH CENTRAL MINDANAO REGIONAL COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with