^

Probinsiya

15 bayan nasa delubyo

-

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 15  sa kabuuang 17 bayan sa Cotabato ang isinailalim na sa state of calamity  dahil sa pananalasa ng flash flood dulot ng walang humpay na pag-ulan sa nakalipas na mga araw. Sa ulat ng Regional Disaster Coordinating Council, kabilang sa mga naapektuhan ay ang mga bayan ng Pigcawayan, Pikit, Libungan, Aleosan, Banisilan, Alamada, Midsayap, Kabacan, Magpet, President Roxas, Arakan at ang bayan ng Antipas. Sa pina­kahuling tala ng National Disaster Coordinating Council, umaabot na sa 4, 400 pamilya (22,000 katao) ang na­apektuhan sa Cotabato habang aabot naman sa 27 barangay sa Cotabato City na may 20,000-pamilya ang naapektuhan ng tubig-baha. Samantala, aabot naman sa 8,000 pamilya ang iniulat na nagsilikas mula sa 10 Barangay sa Sultan Kudarat at Maguindanao matapos rumagasa ang tubig-baha. Samantala, nagpalabas na ng P20 milyong pondo ang Sangguniang Panlalawigan para magamit bilang calamity fund habang patuloy naman ang pamamahagi ng mga relief goods sa mga evacuation center. Joy Cantos

vuukle comment

ALAMADA

COTABATO

COTABATO CITY

JOY CANTOS

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

PRESIDENT ROXAS

REGIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

SAMANTALA

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with