^

Probinsiya

P186M marijuana sinunog

-

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Aabot sa 800,000 puno ng marijuana na nagka­kahalaga ng P186 milyon ang sinunog ng mga awtoridad ka­hapon sa plan­tasyon na na­diskubre sa ka­gubatang bahagi ng Isabela at Kalinga.

Ayon sa ulat na naka­rating kay P/Chief Supt. Ro­berto Damian, Cagayan Valley police director, ang na­sabing plantasyon ay na­diskubre sa Sitio Bangabang nasa pagitan ng Quezon, Isabela; Tabuk, Kalinga at Enrile, Cagayan.

Napag-alamang ma­higit sa 600,000 puno ng ma­rijuana habang 200,000 pu­no naman ang mga ma­ri­juana seedlings ang sa­bay-sabay na sinunog sa mala­wak na kaingin sa na­sabing lugar.

Pinasalamatan naman ni Sonny Lacerna, information officer ng PDEA-Ca­gayan Valley, ang malaking partisi­pas­yon ng mga sibilyan sa lugar na nagbi­gay sa kanila ng impormas­yon para ma­tag­puan ang nasabing plantas­yon.

Habang sinusulat ang balitang ito ay pansamanta­lang itinago pa ang pangalan ng mga suspek na nasa likod ng plantasyon para sa isa­sagawang follow-up operation. Victor Martin

vuukle comment

AABOT

AYON

CAGAYAN VALLEY

CHIEF SUPT

ISABELA

KALINGA

SHY

SITIO BANGABANG

SONNY LACERNA

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with