Guro tinodas ng adik
PANGASINAN, Philippines — Napagtripang pagtatagain hanggang sa mapatay ang isang guro ng kanyang kapitbahay na sinasabing adik sa bawal na droga kung saan sugatan naman ang anak naitong dalagita sa naganap na karahasan noong Sabado ng umaga sa Barangay Malico sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan. Kinilala ang nasawi na si Norma Zamora, 44; samantalang sugatan naman ang anak nitong si Regine Zamora,14. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Dionisio Mateo, 24. Base sa police report, pinasok ng suspek ang bahay ng mag-ina kung saan isinagawa ang krimen. Tinangka pang halayin ng suspek ang batang Zamora subalit nakatakbo ito at nakahingi ng tulong sa ilang kapitbahay at barangay tanod. – Cesar Ramirez
- Latest
- Trending