Guro dedo sa road mishap
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa isang guro habang sugatan naman ang misis nito makaraang sumalpok ang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong jeepney sa panulukan ng Rojas Street sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng umaga.
Namatay habang ginagamot sa Kidapawan Doctors Hospital, Inc., si Herman Flores, 28, habang sugatan naman si Hazel Flores, kapwa guro sa Macelobig Elementary School.
Base sa police report, lumilitaw na malakas ang ulan ng maganap ang trahedya kung saan nakasalubong ng mag-asawang lulan ng motorsiklo ang kasalubong na pampasaherong jeepney. Sina Herman at Hazel ay bagong kasal noong Abril at hindi na nasilayan ng lalaki ang kanyang magiging anak. (Malu Manar)
- Latest
- Trending



















