^

Probinsiya

Palengke binomba: 3 patay, 15 sugatan

- Ni Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Tatlo-katao ang kinarit ni kamatayan, habang labin­limang iba pa ang nasu­gatan makaraang pasabu­gin ang loob ng palengke kahapon ng umaga sa Ba­rangay Kita­ngo sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Kabilang sa mga napu­ru­han ng shrapnel ng bom­ba at nasawi ay ang tindero ng sigarilyo na si Melempa­nuk Nunukan, 65; at ang gasoline retailer na si Thong Hadji Omar, 28 sa­mantala, ang isa pa ay ka­salukuyang inaalam ang pagkakakilanlan.

Sugatan naman sina Hadji Mansor Haj Radzak, 80; Toto Mamansual, 45; Kenong Dumag, 30; Moren Musa, 42; Hadji Fatima Had Kaka, Ibno Abdulkadir, 55; Hadji Akas Guiam­blang, 61; at si Naima Omar, 13 habang binebe­ripika pa ang pagka­ka­­kilanlan ng ng iba pa.

Ayon kay Lt. Col. Jona­than Ponce, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, itinanim ang bomba sa basu­rahan na nasa ha­rap ng La­nang Bakery at Coffee Shop sa loob mismo ng palengke sa Barangay Kitango.

Ang bomba gawa sa bala ng 81mm mortar at gumamit ng mobile phone bilang triggering device.

Napag-alamang hawak na rin ng mga tauhan ng Explosives and Ordnance Disposal ng Army’s 6th Infantry Division ang isa pang bomba na narekober sa nasabing lugar kung saan nagmintis kaya hindi su­mabog.

Ang pagsabog sa bayan ng Maguindanao ay pa­ngatlo na sa Central Min­danao, simula noong Sa­bado kung saan nagsilikas ang ilang residente sa nasabing ba­rangay.

Noong Sabado, pinasa­bog naman ang bus terminal sa Tacurong City sa Sultan Kudarat, na nagre­sulta sa pagkasugat ng 11-katao.

Makalipas ang 3-oras, isa pang bomba ang su­mabog sa loob ng Rural Transit Bus (KVS 769) sa bayan ng Ka­bacan, North Cotabato kung saan wa­lang iniulat na nasu­gatan.

Inako ng grupong Al Kho­bar ang mga pagsabog sa Central Mindanao, ayon kay P/Chief Insp. Franklin Anito, hepe ng Kabacan PNP.


vuukle comment

AL KHO

BARANGAY KITANGO

CENTRAL MIN

CENTRAL MINDANAO

CHIEF INSP

COFFEE SHOP

DATU SAUDI AMPATUAN

EXPLOSIVES AND ORDNANCE DISPOSAL

INFANTRY DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with