^

Probinsiya

Haponesa nalasog sa propeller

-

MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang masayang bakasyon ng mga turistang Haponesa makaraang isa sa kanila ang mahagip ng propeller ng bangkang-de-motor ang halos madurog ang ulo habang nagsasagawa ng scuba diving sa karagatan ng Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa.

Idineklarang patay sa Mactan Doctors Hospital si Etsuko Kosaka, 52, may-asawa, ng  Ishikawa, Japan.

Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, lumi­litaw na naganap ang insi­dente sa karagatan ng Cebu Marine Beach Resort sa Brgy. Suba Basbas bandang alas-12:20 ng tanghali. 

Ayon sa ulat, nagdi-diving ang biktima nang aksi­denteng mahagip ang ulo nito ng propeller ng bang­kang dumaan sa lugar na pag-aari ni Antonio Cahilig, 20, ng Brgy. Manibago.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang may-ari ng bangka na siya mismo ang nagpapaandar nang mahagip ang biktima. - Joy Cantos


vuukle comment

ANTONIO CAHILIG

BRGY

CAMP CRAME

CEBU MARINE BEACH RESORT

ETSUKO KOSAKA

JOY CANTOS

LAPU-LAPU CITY

MACTAN DOCTORS HOSPITAL

SUBA BASBAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with