^

Probinsiya

11 sugatan sa terminal blast

- Ni Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Labing-isang sibilyan ang iniulat na nasugatan maka­raang pasabugin ng mga ‘di-pa kilalang grupo ang pampublikong terminal sa Tacurong City, Sultan Ku­darat kahapon ng umaga.

Sa ulat ng regional spokesman na si P/Senior Inspector  Alexander Sara­bia, itinanim ang improvised explosive device sa bisini­dad ng Takurong Integra­ted Public Terminal kung saan sumambulat bandang alas-10:15 ng umaga.

Kaagad naman naisu­god ang mga sugatang bik­tima sa Quijano Hospital sa Tacurong City.

Ayon naman kay Lt. Col. Jonathan Ponce, spokesperson ng 6th ID, mga ope­ratiba ng Special Operations Group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ilalim ng command ni Bassit Usman, ang nasa likod ng pinakaba­gong pambobomba sa Central Mindanao, kung saan itinanggi ng spokesman ng MILF na si Eid Kabalu. 

Samantala, makalipas ang 2-oras, isa pang improvised explosive device ang sumabog sa terminal ng Rural Transit Bus sa Ka­bacan, North Cotabato, kahapon ng tanghali.

Itinanim ang bomba sa likurang bahagi ng Rural Transit Bus na may pla­kang KVS 769 kung saan narekober sa blast ang mobile phone, 9-volt battery, at switch na nakalagay sa hand pouch na kulay pula, ayon sa ulat ni P/Chief Insp. Franklin Anito, hepe ng Kabacan PNP.

Posibleng extortion ang sinasabing isa sa motibo ng pagpapasabog ng terminal ng Rural Transit.


vuukle comment

ALEXANDER SARA

BASSIT USMAN

CENTRAL MINDANAO

CHIEF INSP

EID KABALU

FRANKLIN ANITO

JONATHAN PONCE

RURAL TRANSIT BUS

SHY

TACURONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with