^

Probinsiya

Habambuhay sa killer ng trike driver

-

BULACAN, Philippines – Ha­bam­buhay na pagka­bilanggo ang inihatol ng korte laban sa mister na napatunayang pu­matay sa isang  tray­sikel drayber noong Oktubre 2002 sa ba­yan ng Balagtas, Bula­can.

Sa 12-pahinang de­sisyon ni Judge Virgi­lita Bautista-Castillo ng Malolos City Regional Trial Court Branch12, bukod sa habambuhay na pagkakulong kay Alfonso Haro, pinag­ba­bayad din ng korte ang akusado ng P125,000 bilang danyos pewisyo sa pamilya ng biktimang si Henry Magtalas ng Brgy. Longos, Balagtas, Bulacan.

Base sa record ng korte, lumilitaw na ak­sidenteng nabangga ng traysikel ng biktima ang bisikleta ng aku­sado kung saan hu­mantong sa krimen noong Oktubre 7, 2002.

Naaresto si Alfon­so noong Hulyo 5, 2005 sa bahagi ng Sitio Lala-o sa Ba­rangay Tranca, Bay, Laguna.

Napag-alaman din na naging kasabwat ni Alfonso ang kanyang dalawang kapatid sa pagpatay sa biktima kung saan naunang hinatulan ng habam­buhay si Jose Haro noong Setyembre 6, 2004.

Nanatili namang nakakalaya ang isa pang akusado na si Crisanto Haro. Boy Cruz

ALFONSO HARO

BALAGTAS

BOY CRUZ

CRISANTO HARO

HENRY MAGTALAS

JOSE HARO

JUDGE VIRGI

MALOLOS CITY REGIONAL TRIAL COURT

OKTUBRE

SHY

SITIO LALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with