^

Probinsiya

2 kinidnap ng Sayyaf nasagip

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sa loob lamang ng pitong oras, nasagip ng mga awto­ridad ang dalawang mang­gagawa na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Talipao, Sulu kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Jose Bayani Gucela, tagapag­salita ng Philippine National Police-Directorate for Integrated Police Operations Western Mindanao, ang mga nailigtas na bihag na sina Aspin Giminsil, 39 an­yos, at Kadspar Abduhasan, 22, kapwa empleyado ng Zam­ boanga-base Alliance for Mindanao for Off Grade Renewable Energy.

Ang mga ito ay kasapi rin ng Jolo-based ILMOH ( Integrated Learning for Moslem Highlanders).

Dinukot ng may 10 ban­dido ang mga biktima sa Upper Sinumaan, Talipao nitong Huwebes.

Nang matanggap ang im­ pormasyon ay agad na­mang pinakilos ng PNP- DIPO Western Mindanao ang Sulu Pro­vin­cial Police Office upang ilig­tas ang mga biktima.

Bandang alas-7:00 ng gabi matapos makakuha ng impormasyon ay nagsa­gawa ng operasyon ang Talipao Municipal Police Station sa pamumuno ni Inspector Jeff Sherwin Ramos sa tulong ng Citizens Emergency Forces at Barangay Chairman Bud Bunga.

Napilitan naman ang mga kidnapper na abando­nahin ang mga bihag sa takot na maubos sila sa bak­bakan kung saan ay ligtas ang mga itong naibalik ng mga awto­ ridad sa kanilang pamilya.

ABU SAYYAF

ASPIN GIMINSIL

BARANGAY CHAIRMAN BUD BUNGA

CITIZENS EMERGENCY FORCES

INSPECTOR JEFF SHERWIN RAMOS

INTEGRATED LEARNING

INTEGRATED POLICE OPERATIONS WESTERN MINDANAO

JOSE BAYANI GUCELA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with