Rebel returnee dinukot
CEBU, Philippines – Pinaniniwalaang dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang rebel returnee sa bayan ng Laak, Compostela Valley kamakalawa. Kinilala ni Lt. Col. Kurt Decapia, chief ng Public Affairs ng Army’s 10th Infantry Division, ang biktima na si Rey Mundas. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, dakong alas 5 ng umaga nang dukutin ng mga rebeldeng New People’s Army sa pamumuno ni Ka Rene, secretary ng Section Committee 2 ng Southern Mindanao Regional Committee, ang biktimang nagbalik-loob sa pamahalaan sa tahanan nito sa KM 9, Brgy. Datu Davao, Laak. Sa pahayag ng mga testigo, sinabi ni Decapia, pinagsisipa, pinagsusuntok ng mga rebelde, ang biktima ng tumanggi itong sumama sa kaniyang mga dating kasamahan. Ang mga rebelde ay tumakas patungo sa direksyon ng Brgy. Mancanitas, Loreto, Agusan del Sur. - Joy Cantos
- Latest
- Trending