6 na bata hinalay ng English pedophile
MANILA, Philippines - Isang 69-anyos na English pedophile ang inaresto at ikinulong ng pulisya kamakalawa nang ireklamo ng pamilya ng anim na batang residente ng Madridejos, Cebu na hinalay umano ng suspek.
Kinilala ang suspek na si Garry Lee Rohn, may-asawa at pansamantalang nanunuluyan sa Sitio Pabrika, Barangay Poblacion sa Madridejos.
Kasabay nito, nabawi naman sa kustodya ni Rohn ang anim na bata na ’di tinukoy ang mga pangalan bunga ng pagiging menor-de-edad.
Lumilitaw sa imbestigasyon na pinangakuan ng suspek ang mga bata ng pera, kendi at laruan kapalit ng panghahalay umano niya sa mga biktima. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending















