Nasawing single mom binubusisi
CAVITE, Philippines – Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang 20-anyos na single mother na ang bangkay ay natagpuan malapit sa banyo ng kanyang bahay sa Villa Luisa Homes, Barangay San Agustin 3, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng hapon.
Walang damit na pang-ibaba ang biktimang si Kristel Hayag nang matagpuang nakahandusay sa lapag.
Wala ni anumang tama sa katawan ang biktima maliban lamang sa nakitang bumubula ang bibig nito.
Ayon pa sa pulisya, wala rin silang nakitang sapi litang pinasok ang bahay ng biktima at hindi ring palatandaan ng anumang paghahamok sa loob ng bahay nito. (Cristina Timbang)
- Latest
- Trending




















