^

Probinsiya

Abogado itinumba sa simbahan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagsilbing huling kum­pisal na ng isang abogado ang pagtungo niya sa sim­bahan matapos na pagba­barilin ng hindi pa naki­lalang nag-iisang arma­dong salarin sa harapan ng pook-dasalan sa Barangay Basak, Mandaue City, Cebu kamakalawa.

Wala nang buhay nang maisugod sa Mandaue City District Hospital ang bik­timang si Atty. Santos Anthony Golez, 35-anyos, residente ng Saint Martin Village, Barangay Banilad sa Mandaue City.

Sinabi ng Cebu Provincial Police Office na naga­nap ang insidente sa hara­pan ng Fatima Church sa Barangay Basak dakong alas-7:00 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, lumabas mula sa simbahan si Golez para manigarilyo sa labas nang biglang su­mulpot sa harapan niya ang armadong salarin.

Agad na binaril ng sus­pek ang biktima na tina­maan ng bala sa dibdib na naglagos sa likurang ba­hagi ng katawan nito.

Parang walang anu­mang naglakad ang salarin palayo pero ng lumingon ito at makitang dinudukot ng duguang biktima sa bulsa ang cellphone nito.

Bumalik ang suspek, inagaw ang cellphone bago binaril muli ang biktima at tumakas.

vuukle comment

AYON

BARANGAY BASAK

BUMALIK

CEBU PROVINCIAL POLICE OFFICE

FATIMA CHURCH

MANDAUE CITY

MANDAUE CITY DISTRICT HOSPITAL

SAINT MARTIN VILLAGE

SANTOS ANTHONY GOLEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with